shadow left shadow right
A A A
 

MoneyGram money transfer services



Abot-kaya, maaasahan, at madaling domestic at international money transfers

Malaki ang nagagawa ng money transfer services para sa pandaigdigang ekonomiya. Ang international at domestic money transfer services ng MoneyGram ay abot-kaya at madaling opsyon sa tradisyonal na mga bangko at credit cards, at nagbibigay ng paraan para makapagpadala at makatanggap ng pera sa buong mundo.

Bilang isang pandaigdigang lider pag dating sa wire transfers, ginagawang madali ng MoneyGram ang paghahanap ng lokasyon para makapagpadala ng pera gamit ang aming higit pa sa 327,000 na ahente sa 200 na bansa.

Same day service** - mabilis at maaasahan
Kapag nangyari ang di inaasahan, o kung gusto mong mabilis makapagpadala ng pera, ginagawang madali ng MoneyGram ang makapagpadala o makatanggap ng pera. Sa pamamagitan ng aming malawak na network ng mga lokasyon at same day service, madali kang makakapagpadala ng pera, kung saan at kailan mo kailangan. Puwedeng dumating ang pera sa loob ng 10 minuto**

Estimahin ang money transfer fees at magpadala na ngayon.

Money transfers - hindi lamang para sa emergencies
Magpadala ng pera sa iyong mga kaibigan at pamilya tuwing may okasyon para ipaabot ang iyong pagmamahal. Puwede ka pang magdagdag ng personal note kasama ng iyong padala. Ang iyong regalo na pera ay tiyak na pahahalagahan lalo na sa okasyon tulad ng:

  • Birthdays
  • Back-to-school
  • Graduations
  • Holidays

Magpapadala ng pera?
Limang madaling hakbang para siguradong makarating ang padala mong pera kung saan ito kailangan.

  1. Estimahin ang cost para makapagpadala ng pera
  2. Hanapin ang MoneyGram location na malapit sa iyo
  3. Bumisita sa iyong local MoneyGram agent^
  4. Kumpletuhin ang simpleng money transfer form
  5. Kontakin ang taong tatanggap ng iyong money transfer

Maghanap ng MoneyGram location para magpadala ngayon

Tatanggap ng pera?
Kasing dali ng 1, 2, 3

  1. Hingin ang money transfer reference number
  2. Bumisita sa pinakamalapit na MoneyGram location^
  3. Kumpletuhin ang receive form       

Maghanap ng MoneyGram location para tumanggap o magpadala ng pera ngayon.

Helpful Hint: Puwedeng bumisita ang taong nagpapadala sa iyo sa aming site para rebiyuhin kung paano magpadala ng pera. Makakatulong ang aming cost estimator para malaman ang approximate costs, at ang aming locator para malaman kung saan ang pinakamalapit na MoneyGram sa kanila.

^ Nagiiba ang requirements ayon sa bansa at ahente. Mangyaring hilingin sa iyong lokal na MoneyGram agent ang mga detalye tungkol sa kanilang mga proseso at mga pamamaraan.

MoneyGram globe image